Kamusta! Ako nga pala si Stephen -- mahilig akong maglakbay. Halina't samahan niyo kong libutin ang Pico de Loro na talaga nga namang makakapukaw ng inyong damdamin.
Linggo, Oktubre 15, 2017
Pico De Loro Beach Club
Isang napakagandang tanawin, makikita dito ang palanguyan at sa tapat naman nito ay ang naggagandahang isla at ang tabing-dagat na mala boracay sa kadahilanang puti ang buhangin nito.
Ito naman ang ibang anggulo. Makikita dito ang pang matandang palanguyan at sa tapat nito, makikita naman ang pambatang palanguyan kung halimbawa na lang e meron kang sanggol na ilalangoy, pwede siya doon. Ang lifeguard din dito ay laging nakabantay para pagmasdan ang palanguyan. Meron ding locker banda sa likod at mayroon silang mga tuwalya, banyo at paliguan doon.
Hamilo Coast
Kakaunting lakad lang papalayo sa palanguyan ay makikita mo na ang tabing-dagat. Pwede kang magrelaks sa ilalim ng mga tabing-dagat na payong o beach umbrellas. Pwede mong laruin ang mga buhangin o kaya pwede rin namang rentahan ang mga bangka para libutin ang ilang parte ng tabing-dagat.
Ito naman ang Hamilo Coast na parte rin ng beach club. Mala-Boracay ang datingan nito dahil sa kulay puting buhangin na nakapalibot dito. Maaari ka ring makapag relaks dito at mamahinga sa mga upuan at tingnan ang magandang tanawin. Dito mo rin maaaring gawin ang ilang aktibidad kagaya ng pagsakay sa banana boat, jet ski, kayaking at iba pa.
Pico De Loro Country Club
Ito naman ang country club at parang beach club din ito kaya lang wala ritong dagat at mas maraming restawran at paliguan o pool ang makikita dito. Talagang magiging masaya ang mga bata dito dahil sa laki ng paliguan at pwedeng magrelaks ang iba sa mga upuang itinayo mismo sa paliguan.
Residential Condominums
Maganda ang akomodasyon dito sa Pico De Loro at magaganda ang disenyo ng mga condominiums. Mataas din ang kalidad ng mga materyales na ginamit para lang makabuo ng magandang condominiums.
Beach Front
Ito na ang araw ng pamamaalam namin sa Pico De Loro at nagtagal kami ng tatlong araw at dalawang gabi. Sobrang saya namin nung mga panahong iyon at sayang nga kasi kulang ang araw ng pananatili namin dito.
Saint Therese Chapel
Pagkatapos namin sa Beach Front ay tumungo namin kami sa simbahan na kung saan ay ang pinakamalapit sa pasukan ng Pico De Loro. Makikita naman dito ang magandang arkitektura ng kapilya at ito'y moderno na kumpara sa iba kong nakikitang mga kapilya.
Pagtatapos
Dito na nagtatapos ang aking blog at isa ang Pico De Loro sa mga paborito at pinakamagagandang napuntahan ko na sa Pilipinas. Nagpunta nga pala kami dito dahil ikalimampung kaarawan ng aking Ina at kasama namin ang aming mga kamag-anak Mamahalin mo at matutuwa ka sa lugar na ito dahil ito'y napaka eksklusibo at dalawang oras lang galing Cavite o isang oras at kalahating minuto lang galing Manila ay makakapunta ka na sa Pico De Loro. Mas maganda ang Pico De Loro kesa sa ibang eksklusibong dulugan dahil ang Pico De Loro ay kumpleto pagdating sa mga pasilidad kagaya ng infinity pool, bilyar, palaruan, kainan, iba't ibang isports kagaya ng bowling, basketbol at badminton, at iba pa.
*Ang ilang litrato na nandirito ay pagmamay-ari ni Trixie Ledonio, Cheenee Bautista, Animetric, Phil living estate at daphne.ph
Pico De Loro Cove, Hamilo Coast,
Nasugbu, Batangas
Tags: #PicoDeLoro #HamiloCoast #BeachClub #CountryClub #BeachFront #angpaglalakbaynistephen2017
Para sa karagdagang kaalaman kontakin si:
Stephen: +639979019429
stephenbaldonido@gmail.com
John: +639759447004
johnbaldonido@gmail.com
Lokasyon: Batangas City, Philippines
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)